patulong naman po..
galing kasi ako ng airport immigration section kanina, bale 2x nako nagpunta dun. nag aapply kasi ako ng tourist visa for qatar airways para sa sister ko na nasa abu dhabi, sa eid kasi gusto nya bumisita dito.
iisa kasi ang sagot ng mga nakausap ko dun isang babaeng Q na nasa counter at kanina pulis naman, di na DAW sila nag iissue ng ganun. apply for hotel visa sabi nila, tumawag ako sa isang hotel 800QR na tumataginting ang hotel visa nila eh 100QR lang binayaran ko last year para sa tourist visa for qatar airways ng sister ko.
nagbago na naman ba ang mga patakaran nila sa immigration? baka me knowledge kayo mga kabayan tungkol sa problema ko, kelangan ko bang sa garafa immigration na magpunta?