Pagtakas sa problema.
Money is the root of all evil nga ba or kulang lang sa pananampalataya o pag titiwala kay God. Lately madaming news na nakakalungkot. Sa asawa ni Ted Failon di nakayanan ang problema sa pera kaya nagkaganon. And may isang Ina na pati ang mga anak ay sinama din nya sa pagtitiwakal. Madami ding balita na mga OFW na madami o baon sa utang kaya naiisip na gawin ang di dapat. Pera ba talaga ang dahilan? or kulang lang talaga sa pananampalataya? Nakakalungkot isipin, pero yan ang kalimitang nangyayari sa mga problemado sa pera or utang. maari din naman na kulang din sa suporta ng isang kaibigan?
Mga Filexpat halikat suportahan na tin sa salita or kung ano ang mga pwede nating pwedeng maibigay na pahayag sa mga may problemang malaki. Maaring sa kaunting forum natin na ito ay may makatulong. ako man ay wala sa ganitong sitwasyon ay nararamdaman ko ang mga nasa ganitong problema. Sa ganang akin ay dapat ang lahat sa atin ay magkaroon ng Spiritual group talaga. malaki ang maitutulong nito promise.