Paano ka napadpad at dumapo?
Sharing naman tayo. 1)Kung paano napadpad at dumapo dito sa doha? 2)Masalimuot ba bago nakapunta dito? 3)Saan pangarap mong bansa? 4)Hanggang kailan ka magiging Expat? Naitanong ko ito sa dahilang tanong ko sa sarili ko gaano kaya kami tatagal dito? at yan ay wala pang kasagutan.Ikaw? ako eto:
1)ako ay napadpad dito sa kadahilanang gusto ko ay kasama ang pamilya ko at sa oportunidad na naibibigay ng doha na wala sa pinas. 2) kalahating taon kami nag intay bago kami nakuha mula sa pinas. kainip inip din. at mahirap dahil malayo sa isat isa 3) wala akong pangarap na bansa nagkataon lang na may oportunidad si hubby dito kaya go sya. gusto ko pa din sa pinas kaso wala e. lang mangyayari. 4)Wala pa akong idea kung gang kailan, pero so far enjoy pa naman. basta tuloy tuloy lang sa pag ti tyaga. Buti na lang may Filexpat talagang napakalaking tulong sa homesick sa ibang kaibigan at kamaganak na naiwan sa pinas.