Paano ba magpalaki ng magulang????
Nakakatorete na minsan ang magkabilang sumbong. Kahit anong paliwanag ang gawin mo ganun at ganun pa din. Lalo na pag nag LQ ang parents mo di mo alam kung sino ang paniniwalaan mo. Nakakatuwa na nakakainis dib a. Parang mga bata kung kelan nag si pag tanda saka pa umasal ng mga ganun. ewan ko ba, pero kahit paano ang sarap din naman pag sabihan ng mga magulang lalo na pag nakikinig sayo. Naalala ko tuloy nung bata ako ganun na ganun din sila sa aming magkakapatid noon. Haay ang buhay nga naman.dati rati ikaw ang pinapagalitan / pinagsasabihan. ngayon ikaw na ang nagagalit at nag papayo sa kanila ng mga bagay bagay. lalo ko tuloy sila na miss.
Malamang naranasan nyo na din ito.. share naman dyan.
Ang buhay nga naman .. Ang hirap mag palaki ng magulang… =)