Paalam inaanak...
Note: Nabasa ko to sa http://www.gmanews.tv/story/153059/Paalam-inaanak at gusto kong e-share sa inyo;
Paalam-inaanak:
Halos dalawang taon na hindi kita nakita mula nang ako’y umalis at mangibang bansa. Isa sa mga naaalala ko ay tuwing Pasko dahil palagi akong may nakahandang regalo para sa’yo.
Sa panahong ito ay sabik akong maibigay ang regalo kaagad dahil alam ko na iba ang saya ng mga bata kapag nakatatanggap sila ng regalo mula sa kanilang ninong at ninang. Ngunit paano na ngayong darating na Pasko at iba pang okasyon?
JM, lubos ang lungkot ko nang malaman ko na kami ay iyong iniwan na. Sa mura mong edad na 14, hindi mo pa naaabot ang iyong mga pangarap sa buhay. Hindi mo pa natatapos ang iyong paglalaro sa mga kapatid, kaibigan at kaeskwela. Hindi mo pa lubos na nakikita at nararanasan ang buhay ng ating mundo.
Inaanak, maraming salamat sa lahat at naging bahagi ka ng buhay ko kahit sa maikling panahon. Salamat sa mga alaala na iyong iniwan, mga alaalang nakatatak na sa puso at isipan ng iyong Ninang.
Ikamusta mo naman ako sa mga anghel na kasama mo ngayon. Pakisabi sa kanila na gabayan at bantayan kaming lahat na naiwan mo.
Paalam aking inaanak, mami-miss kita...
Ninang Malou mula sa UAE