OLD MAID
Itong umaga lang kausap ko si officemate, mainit ulo nya at naiinis daw sya kasi inaasar daw sya ng mga kaflatmate nya kasi she's already 27 yrs old (Birthday nya tom) & till now single pa rin while the rest of her college friends are already married with children na nga at ninang pa sya ng mga ito. Naiinis din sya tuwing tatanungin sya if ilang taon na sya, followed by the question bakit di ka pa mag-asawa wala ka bang BF? Tinanong ko sya if bakit nga ba till now di pa sya nagpapakasal di naman sya pangit at mabait naman sya. (Nagtanong pa din ako kahit alam kong mainit ulo nya) hahahahaha!
Wala lang daw... di pa daw nya nakikita si MR. RIGHT. (Period) Kaya umalis na ko at baka mabato ako ng stapler! hahahahaha!
Ako, I admit ng nagpakasal kami ni hubby nasa __ na ko! E anong magagawa ko kahit naman gustuhin ko i still have my resposibilities sa family ko. Saka nagPromised me dati sa parents ko na di ako magpapakasal till di nakakagraduate ng college ung sumunod sa akin. Although pagnagpakasal me it doesnt mean na iiwan ko na ung resposibilities sa family ko in fact till now im still helping them but gusto ko lang kasi na magFocus muna sa kanila.
sabi nila sa panahon ngayon, kapag tumuntong ka ng 25 o 28 na wala ka pang asawa, matandang dalaga ka na... Is that right? Paano if di mo pa talaga priority ang mag-asawa? Besides may mga tao talagang sadyang hindi lapitan ng lovelife kahit pa sabihing may-itsura naman sya... meron pa nga na no boyfriend since zygote...