Need some advice

Mga kabayan, ihingi ko lang ng tulong through your advise ang isang friend ko na single mother. Ganito po ang istorya, ung anak nya (babae 7 years old) ay nasa mga magulang nya sa Pinas, ngayon kelangan nya ng dalhin dito ung bata kasi ung mother nya ay di na kaya ang mag-alaga dahil me idad na rin at me sakit pa. Ung mga kapatid naman nya ay may mga sarili na ring buhay/pamilya. Ang tanong nya po ay ano po kaya ang mga paraan para madala nya dito ang anak nya? Kelangan po ba nya humingi ng permiso (no objection) sa company nya since lalaki lang ang pede mag sponsor? anu-ano ang mga kelangan nyang lakarin na papeles para sa bagay na yun. Payagan kaya sya sa immigration kung makita sa birth certificate ng bata na walang name ng father? in case na di sya payagan ng company nya, ano po klase ng visa ang pede nya i-apply sa bata? at kung makalusot at makuha nya ang anak nya, magkano kaya ang tuition and other miscellaneous fee sa Philippine School?
Maraming salamat po in advance sa mga tugon ninyo na makapag-bibigay ng kasagutan sa kanyang mga tanong.