NBI Clearance

Gusto ko lang po magshare ng experience ko sa pagkuha ng NBI clearance... Pwede na ata ito pang-Maalaala mo kaya...
Pumunta ako sa Philippine Embassy para sa NBI clearance. Halos 30 minutes ko inantay yung lalake na assigned dun, tapos ayaw niya ako fingerprint dahil dala ko yung baby ko. Fortunately meron namang kabayan na pumayag kargahin muna si baby. Nung nag fingerprint na kami in explain nya pa na maselan daw talaga dahil yun ang requirement ng NBI. So ok... Sa tagal ng proseso niya nagiiyak na si baby. Ok lang kung yun yung final paper pero dapat ipadala sa Pinas.
Same day pinadala ko sa Pinas, after five days natanggap nila. Dinala ng daddy ko, tapos sabi daw sa kanya malabo yung fingerprint...di ba ang husay? Kasi sabi nung taga-embassy alam niya yung ginagawa niya. So pinahanap si daddy ng kahit photocopy ng luma kong clearance. So balik ulit siya, sabi naman may kapangalan daw ako na may kaso na estafa. Same maiden name, same city... In explain ni daddy wala ako sa Pinas nung time na yun, hindi kami pareho ng zone at married name na ang ginagamit ko... No effect. Pinakuha ako ng affidavit of denial. 100qar na naman para sa papel na fill in the blanks, tapos di mo pa makukuha the same day.
So nakuha namin ang affidavit, pinadala sa Pinas, nakuha ang clearance. Dinala sa DFA, na-authenticate. Ipapadala sa Qatar embassy. Sabi ng taga DHL, kailangan daw magthumbprint
ako... Kahit anong paliwanagan ayaw... So matapos ang mahabang panahon nalagyan ng thumbprint. Nung akala namin aantayin na lang ang five working days... Hindi rin pala kasi
holy week holiday na sa pinas...
Pagbalik dito, patatatakan na naman sa embassy... 100qar ulit. Buti na Lang sa ministry of exterior separate ang ladies at 20qar lang...
Hay... penitensya talaga ang sistema ng Pilipinas...