"NARS"

Ag3nt Orang3
By Ag3nt Orang3

Umpisa sa pag submit ng application sa mga agency para sa UK, Ireland, Dubai, US, Saudi o Qatar. Ang pagpila at pagharap sa mga interviewer. Kung saan nagkakanda utal utal at di matapos tapos na pagtatanong sa mga kasamang nauna sa interview kung ano ang mga tinanong sa kanila ng mga representative ng mga kumpanya at sa wakas ang pagharap mismo sa interviewer. pagkatapos ng ilang minuto ng interview iba iba ang reaksyon may mayabang, may tahimik, may namumutla at meron namang parang nasiraan na ng ulo at ngingiti ngiti na lang. ang pinakahuli ay ang resulta kung nakapasa o maghihintay ulit ng ibang pagkakataon. May mga hindi sinuwerte at may mapapalad din na tulad ko ang nakapasa sa interview at ang destinasyon....QATAR.. Ilang araw pagkatapos ng interview ay ang pananahimik sa hospital na pinagtatrabahuhan, ayaw ipaalam na pasado na at maaring ilang buwan na lang ay lilipad na sa bansang destinasyon. pero paglipas ng ilang araw ay lalabas din ang totoo. minsan sa mga kasama din sa trabaho na akala mo ay detektib at broadcaster na una pang ipinamamalita ang nalalapit na pag alis ng kasama at sa kalaunan pagkatapos ng mga pangungulit ay ang pag amin sa napipintong paglipad. kasunod na nyan ang arboran ng gamit, ang panunukso para magpa inom at pagkukwentuhan ng mga nakaraang gimik ng grupo at mga kasama. Pagkalipas ng ilang buwan, ang tawag mula sa agency "MAY VISA NA AKO" kasabay ng pagbibigay ng araw ng paglipad. Magkahalong saya at lungkot. masaya dahil malapit ng umalis at mas malaki ang sweldong naghihntay. malungkot dahil marami kang iiwanan sa Pinas, ang pamilya mo. Ang asawa mo at anak, ang mga magulang at mga kapatid mo. at kasabay din ang pag iisip kung ano ang naghihintay sa bansang pupuntahan.. kung kakayanin ba ang buhay dun o ano. Palibhasa PINOY kayat lahat ay kakayanin para sa mga mahal sa buhay. PDOS, isang seminar na dapat daluhan ng bawat empleyadong nakatakdang mangibang bayan. may nakaka antok magsalita, may nakakatuwa, merong negosyante pero kwela (nagtitinda ng mga libro ng arabic, chinese, japanese at ibang pang lengwahe) at merong ding nakakatakot mag salita. di ko alam kung ayaw kang papuntahin ng abroad o ano ba. pero may laman ang mga sinasabi katulad ng payat na babaeng tagapag salita nakakatuwa pero makatotohanan ang sinasabi. DESPEDIDA! ang huling pagsasalo ng mga kaibigan, kamag anak at mga nagmamahal sa taong aalis. Dito sa puntong ito maraming nag i straight duty, dahil aabsent ang iba makadalo lang sa despedida mo. katwiran pa "mas mahalaga ka kaysa sa duty" sarap pakinggan, di kaya dahil libre ang inom? May comedy at drama, meron ding kantahan. dito ang puntong di mo makilala ang tunay mong kaibigan kasi happenings to e, kaya lahat gugustuhing sumama. pero ako itinuring ko silang lahat na tunay kong kaibigan. pagkatapos ng mahaba pero bitin pa ring gabi may kaibigan na iiyakan ka, may kakantahan ka, meron din namang parang PARI o MADRE na papangaralan ka. nakakatuwa sila, dun mo lang maiisip na ganun kadami ang mga kaibigan ang naipon mo at nagmamahal sa yo (di pa kasama yung mga di dumalo dun). Pag empake ng gamit, ang paghiram ng maleta samga kamag anak na dati ng nag abroad, malas mo pa kung madamot ang tita mo. alam mong marami siyang maleta pero sasabihin sayong wala. ano ba magagawa ko kung ayaw magpahiram? bili ng bago, mayaman si mama! tapos nito ano ba ang mga dadalhin? karamihan sa laman pagkain, lalo na nag mga noodles. mga de lata at gamot, sabon dahil baka di hiyang sa sabon ng bansang pupuntahan, mga damit at pantalon na bagong bili. naku! said na ang credit card ko. sapatos pa pala. ang hirap magtimbang, 22kg lang kasi pwede dalhin, ang hirap mag isip kung alin ang dadalhin mo... de lata o noodles? noodles na lang mas magaan e, madali pang lutuin. Araw ng paglipad, sa gabi bago ang flight di mo na maintindihan ang pakiramdam mo. kung di mo iisipin ang kinabukasan ng pamilya mo baka pag atras pang maisipan mo. dito ang torture na noon mo lang mararanasan dahil sa desisyon mong mag abroad kailangan mong iwanan ang pamilya mo pansamantala. pampalakas na lang ng loob mo "ISANG TAON LANG NAMAN PWEDE NA KONG MAGBAKASYON". habang tumatakbo ang oras lumalapit ang oras ng pag alis mo, lalong lumulungkot ang pakiramdam mo. Tatlong oras bago ang flight dapat nasa airport kana. pag alis ko tulog pa ang tatlo kong anak mas pinili ko na lang na wag silang gisingin dahil baka lahat kami ay maging luhaan, kahit ang asawa ko ay di na nakasama sa airport dahil walang magbabantay sa mga bata. nagpabaon na lang ng yakap at halik sa kin. habang umuusad ang sinasakyan kong kotse, nakatanaw na lang ako sa asawa kong kumakaway. mahirap pala! pakiramdam ko dinadaganan ang dibdib ko, lumiko na kami sa kanto kaya di na ko na tanaw ang asawa ko. text na lang ako habang umaabante. Airport. pagbaba mo di mo alam kung ano una mong gagawin baka maiwan ng eroplano e. datingan na ang mga kasama mo sa flight, kahit di mo kilala sa pangalan kakausapin mo na lang para di ka maligaw sa loob ng airport. check in na ba o tambay muna? hirap ng first timer para kang buntot ng kasama mong di na baguhan sa pag aabroad. timbangan na ng bagahe, tingnan mo nga naman! ilang beses mo tinimbang sa bahay ang bagaheng dala dala ay sobra pa pala sa timbang. buti may mabait kang kasama sa flight aampunin ang ilan mong kagamitan, at dun na lang sa destinasyon magbalikan. ayos na! pila naman pasakay sa eroplano. grabe ang security may nakitang nail cutter sa kin nais pang kunin, akala mo naman makakamatay ka o makaka pang hi jack gamit ang nail cutter na munti! mabuti ang isang security nagpagkamalan yata akong bading, abswelto na daw yun dahil pampaganda lang naman daw yun. pati yung cartridge ng shaver ko bawal pala sa handcarry, naalala ko arabo nga pala mga crew ng eroplano baka takot sa shaver dahil balbas ay pinapalago, ayun check in din hand carry ko, pabor pa rin. Take off. nagsalita na ang piloto "abu lahaji ajsig oj odur" ay ewan di ko maintindihan! arabic pala yun. tapos humilera na yung mga stewardees para i demo ang pag gamit ng life jacket at seat belt. nakakatakot tuloy, ano nga kaya kung mag crash! Ngiii! maya maya umuusad na ang eroplano, pumwesto na sa runway. mas nakakalungkot pala yung oras na yun. habang pabilis ng pabilis ang takbo ng eroplano at umaangat na sa lupa saka naman bumabagsak ang luha ko. ayaw ko na yata umalis. pero palayo na ng palayo yung eroplano, paliit na ng paliit yung mga sasakyan sa baba. wala na! may ulap na sa among harapan. ba bye na metro manila! Foods. habang nasa byahe naglabasan ulit ang mga stewardees, tulak tulak ang mga trolley. agahan pala namin yun. pagkatapos i serve kainan na. parang nakakahiya pang kumain dahil baka sosyal mga kasama mo sa eroplano e. konti lang kinain ko tinapay lang at kape. pagkatapos ko itong katabi ko hiningi yung butter na di ko naipalaman, at ibinalot yung natira nyang tinapay kasama yung butter ko. pwede pala yun! palibhasa kulang sa tulog ng nakaraang gabi, dinalaw ako ng antok kaya natulog ako sa byahe. ginising na lang ako ng stewardees dahil lunch na pala, sabay tanong sa kin chicken omelette or beef stew. sagot ko chicken omelette! derecho sa likod ko ang stewardees sabay tanong sa isang pasahero, chicken omelette or beef stew? sagot siya "YES!" inulit ng stewardees ang tanong pero pareho pa rin ang sagot binigyan na lang ng stewardees, baka nilagyan ng pampatulog kasi pagkatapos nun nakatulog ulit si Ulikba. langya! ng kinain ko yung omelette walang kalasa lasa. kinain ko na lang baka arborin pa ng katabi ko e, titingin tingin nanaman e.Siyam na oras ang byahe kaya natulog na din ako. Qatar. Ilang oras ang lumipas at nasa airport na kami ng qatar. kakaiba ang airport dito pagbaba mo ng eroplano sasakay ka pa ng bus para dalhin kayo sa lobby ng airport. sobra ang init! ganun pala dito. sakay agad ako sa bus para di masyado mainitan. tuloy kami sa lobby ng airport, na hold pa ako ng ilang minuto dahil yung passport number ko iba sa nakalagay sa visa ko, kinabahan ako baka pabalikin ako sa pinas pero ilang saglit lang ay tinatatakan na yung passport ko. tuloy na kami sa kuhanan ng bagahe at naghintay na kami sa susundo sa amin. sobra talaga init,yun pala ang pinakamainit na buwan dito sa qatar ang agosto. Ilang minuto pa dumating na ang susundo sa min, ibinigay ang mga susi ng tutuluyan namin. May dumating na truck at dun daw isasakay ang mga bagahe, pero pambabae lang daw yun. kaya ikinarga na ng mga babae yung mga bagahe nila. dahil mabigat nahirapan ang karamihan sa kanila kaya naisipan kong tulungan silang magkarga sa truck ng mga bagahe nila. may mga kasama akong 3 lalaki pero di sila tumulong sa pagbubuhat ng mga bagahe ng mga babae, nakaupo lang sila at nakamasid sa kin. pagkatapos maikarga lahat ng bagahe umalis na ang mga babae sakay ng coaster. saka pa lang dumating ang sasakyan naming mga lalaki. kotse lang kaya masikip kami sa loob, saka namin hinanap ang mga tutuluyan namin. 1200nn ng umpisahan naming hanapin ang mga tutuluyan namin, pero alas kwatro na ng hapon ay di pa namin nakakita kahit isa sa 4 na bahay na tutuluyan namin, itinanong namin sa driver kung alam nya yung mga lugar, mafi malum....! sagot nya sa amin. yung pala di nya alam yung lugar na aming patutunguhan. mabuti na lang at ex saudi worker yung isa namin kasama. sinabi namin na pumunta na lang kami sa hamad hospital para dun magtanong. pero sinabi nya na sabado ng araw na yun kaya walang office. pumunta kami sa office ng transport service. pagpasok ng driver sa building di na sya lumabas. kaya gumawa na lang kami ng paraan, nakakita kami ng mag asawang pilipino kaya kinausap namin sila, swerte kami at alam daw ng lalaki yung isang tutuluyan namin. pero nagpasama muna kami sa cafeteria para kumain. gutom na kami alas 430 na ng hapon di pa kami naghahapunan. matapos kumain ay nagtungo na kami sa flat ng isang kasamahan namin upang magpalipas ng magdamag doon habang hindi pa namin nahahanap ang flat na tutuluyan namin. pagdating namin sa flat ng kasamahan namin ay tumuloy na kami sa kanyang kwarto, doon nakita ko ang maduming kusina, banyo at kwarto. ang kabinet na nakalaan sa kanya ay luma na at sira na ang bukasan. matapos magpahinga ay naligo na kami at nagbasta na para matulog. doon habang nakahiga ako sa sahig na may lumang carpet ay parang nagsisi ako, "parang mali ang desisyon ko na pumunta sa bansang qatar"dahil bukod sa marumi at sira sirang tutuluyan ay malayo pa kami sa mga minamahal. doon ko naalalang magtext sa king asawa, upang ipaalam ang aking kalagayan, ngunit sa halip na ipaalam ang tunay na kalagayan ay iba ang aking ibinalita. marahil ay ayaw kong mag alala ang aking mga kamaga anak sa pinas."wag nyo akong alalahanin dito, nasa bahay na ako at magandang maganda ang tinutuluyan ko. doon nagsimulang tumulo ang luha ko at parang nalulngkot sa sinapit at sasapitin ko. halos di ako makatulog ng araw na iyon sa kaiisip sa mga iniwan ko sa pinas subalit salamat na rin sa pagod ko sa byahe ay nakatulog din ako. umaga na ng akoý magising. isang araw na ang lumipas para sa kin sa bansang ito. ITUTULOY.....

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.