Nakakamura ba o Napapamahal?
Mahilig ka ba sa sale at promotions?
Noong nasa Pinas pa ako, natatawa ako sa ate ko kasi kung mag-grocery cia ang binibili nya palagi ay mga promo products. ang toothpaste may free na toothbrush, ang hotdog may free na baunan, ang napkin may free wallet... etc.! nung time na un wala akong pakialam sa budget sa grocery kasi kain, tulog at ligo lang ako sa bahay namin. walang responsibilidad. Nang mapadpad ako sa Doha, nakita ko ung benefit ng pagbili ng mga promotional items. palaging may mga buy-1-take-1 items o kaya buy 200ml, 100ml free. and unlike sa Pinas na mga nearly expired na ang mga sine-sale, dito hinde. kahit pa mga chocolates at de-lata. kaya lang napansin ko lately dito karamihan ay bundled goods na lang ang pino-promo. un bang 5pcs for the price of 4 o kaya 4 for 3, or buy 3 with 20% off. Minsan dahil sa isip natin na makakamura tayo, napapabili tayo ng marami kahit hindi naman natin gagamitin. Madalas din ba kayong maipit sa ganitong isipin? Napapamura ba tayo o mas napapamahal dahil nakakabili tayo ng mga bagay na sobra at hindi naman kailangan?