nakakaloka na talaga!
nagpunta ako sa ating embahada nuong nakaraang linggo to extend my passport, ngunit pagdating doon sinabihan ako na kailangan ko din itong i renew dahil ako po ay lalabas at babalik ulit ng doha.
Nang sabihin ko ito sa aking " mabait " na employer ako daw po ay nagsasamantala sa kanila dahil alam kong mai re refund ko ang expenses sa kanila.
sinabihan ko sila na mag inquire sa embassy, ngunit ang sagot nila ay nagtanong daw sila sa ibang Filipino.
Dahil ang aking katapatan ay nasa alanganin minabuti kong kontakin ang ating kagalang galang na Consul at pagkatapos ng maraming palitan ng mensahe ay ayaw pa ring maniwala ng sponsor ko.
Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. nakaka stress na talaga, gusto ko na silang iwanan, ayaw naman akong bigyan ng exit permit.
ano ba maipapayo ninyo mga kababayan ko?