Nagtataka ka ba kung ba't ka pa single..? part 2

tatess
By tatess

By Vivo Bonito

BUHAY SINGLE....

Ako minsan ayos lang kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mong gawin o kaya'y makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta! pero.... kung minsan, lalo na'tmalamig ang hangin o kaya maganda ung view, magwiwish ka na sana may kasama kang masarap na kausap tsaka may yumayakap sa yo, hahalikan ka at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakahuling nilalang natitira sa mundo. nakakamiss yun di ba?

kaya heto, susubukan nating bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging girlfriend o boyfriend?
UNA... 1.>>>Masyadong independent...
baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun nalang sil! a sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2.>>> Mataas ang standards mo siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal girl or guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo...oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboyfriend at maggirlfriend ngayon. puro friends nalang.

3.>>> Ubod ka ng kasungitan. Aba medyo masaklap to. oo nga naman, Maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa kaya? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka man kagwapuhan o higit na kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.

4.>>> masama ang ugali. aruy... ansakit nito. hmmmn... kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng 'peek-a-boo' BAKA ngitian ka na nya. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo magbago. magdasal po kay Lord ng mataimtim ha..?

5.<<< Nagkukulong sa bahay... normal lang naman ito. pero walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na anyo mo o beauty mo kung nagkukulong ka lang lagi sa bahay. ok, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na gwapo o maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka...pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organizations gaya nitong QL... o di kayay sa simbahan or kahit sa sa neighborhood... malay natin dito lang pala nakatadhana sa atin ang ating pinakahihintay... hehehehe

6.>>> mukha kang losyang.. aruy naman... antindi naman ng lait na to... ito kasi ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI!!! dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. kaya lolo at lola, magsimula ka na mag-ayos! at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7. >>> Masyadong magaling ... (speaking on the girls side) hmmnn.. medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang ego ng mga lalaki dito. oo, may mga lalaking nabuburaot dahil higit na magaling at mas marunong ang mga babae sa kanila. hindi na kasalanan ng mga girls ito problema dahil malamang insecurity ng mga lalaki ang bumubulong sa amin pero minsan kasi hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang mga lalake.
kailangan maramdaman din nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na icompromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka talaga di ba? pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong maintimidate.

8. >>> sobrang busy. eto pa... isa pa ito... alam mo ba ung kantang 'Narda'? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta nalang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpluck ng kilay mo wala kang time.

9. >>> Dala ang bigat ng kahapon... naku po...!
may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpaka-bitter ka dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa, e ano ka na lang? tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap pala ang chocolate kung hindi mo titikman?

10.<<< masyadong masyado.... nakow!! ito pang mas masaklap na katotohanan, pero di nyo naman ito kasalanan di ba? ... masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung humble lang ka, wag mayabang, at imbis na maging hambog, share nalang the blessing. hindi ka lang maganda/matalino/talented/mayaman, mabait pa. im sure, lahat mahuhumaling sayo.

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

11. Wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend...
Sugar-hit.... ang saklap naman nito kung ganun nga. hindi porke hindi ka na magkakaboyfriend ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si Lord kaya gusto niya na wala kang boyfriend.

siguro kaya wala kang boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, o di kayay payayamanin ka ni Lord at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, o di kayay pwede ring baka kelangan ang full time and support mo sa inyong organization ... maraming dahilan eh... pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari.

kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin nalang ang best para magstay siya sa buhay mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka.

alin sa mga halimbawang nabanggit ko kung bakit hanggang ngayon single ka pa...?

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.