Naaalala Mo Pa Ba Yung First Time Mo?
Ako po pala si Red Wan, ang pinakabago ninyong ka-fil (read: ka-filex) na ika- wan wan siks siksth (1166th) member.
Ang sarap pala ng feeling ng bagong miyembro -- para bang first day of classes sa eskwela -- 'di mo pa kakilala ang lahat, nahihiya ka pa makipagkilala, at ayaw mo pang sumama sa activities. Lahat naman tayo naging bago noon hindi ba?
Anyway, matagal ko na ding inaabangan ang approval sa grupong ito, salamat sa group admin at ngayon ay pwede na akong makiisa sa
1. mga balita nina nicaq25 at brave_heart
2. mga katatawanan nina lupin, don robert at dekyo
4. mga paalala ni treysdad
4. mga tanong at kwento nina tatess at greentea
5. at mga kuru-kuro ng mga nakikitang kong aktibong miyembro na sina mjamille28, vivo bonito, viper 1582, hawker, qatarexplorer, nephi2kph, peppermint at marami pang iba
Share naman po kayo ng unang experience nyo dito -- unang post, unang member na nakilala, unang activity na pinuntahan, unang nakasagutan, unang tampuhan, lahat po ng mga beginnings at firsts nyo sa FilEx, share nyo naman sa akin at sa iba pang newbie
Nice to meet you all, sana po welcome ako dito; I'm happy to be a member and proud to be a Ka-fil!!!!!