Muling Pagkikita sa FB..
Sabi nga nila maraming bagay from our past ang di na natin kayang ibalik at baguhin...
Maraming tao ang dumaan sa buhay natin na halos di na nga natin matandaan ang pangalan at sa mukha at ala-ala na lang natin nababalikan... Mga kakilala, kaibigan, kaaway/ kagalit, kapitbahay, ex-BF/GF, classmate, teachers, kaopisina, kamag-anakan na tumulong humubog at naging part ng buhay nating lahat.
Nakakatuwa, nakakamiss, nakakainis at nakakalungkot minsan balikan ang nakaraan... mga pangyayaring at taong nagbigay saya at lungkot minsan sa buhay mo. Nakakalungkot lang na ang iba sa kanila ay wala na sa mundo (RIP)
Sa panahon natin ngayon malaking tulong talaga ang internet sa pamamagitan nito napaglalapit ang magkakalayo... nagkikita at nahahanap ang mga dating kakilala.
Last night habang nagahaharvest ako sa aking FV, FT at habang nagmomonitor ng aking Cafe World bigla akong nakareceived ng notification may nagAdd daw sa akin kaibigan. So super tinignan ko baka isa sa mga katribo sa FILEX ang nagAdd sa akin. Nagulat ako kasi ang nagAdd sa akin ay ung dating kong kalaro at classmate nung Kinder pa ko! (6 yrs old) Nakakamiss na na kakatuwa na kahit ilang years na ang nagdaan natatandaan pa rin nya name at itsura ko. Marami ng nagbago sa kanya bukod sa nagka-edad at nagmature na (syempre). May asawa't anak na rin sya at nasa Italy sila ngayon. Walang humpay na kamustahan na pakiramdam namin ang dami namin dapat balikan at pag-kwentuhan...
Hayzz.... Bigla ko tuloy na naalala ang nakaraan ung mga panahon na wala akong iniisip na problem at walang responsibilidad. Nakakamiss ung mga panahon na parang ang dali-dali ng buhay kasi bata ka pa na ang tanging problem mo lang bukod sa kung gulay at di masarap ang ulam nyo ay pagmagka-away kayo ng mga kalaro mo.
Kakalungkot din lang dahil nakikita mong ang bilis ng panahon at matatanda na kayo. Buti na lang mas mukha akong bata sa kanya sa picture! hahahahaha!
Salamat sa FB dahil sa kanya nakikita at naUupdate ako sa mga looooong lost frienships ko!=D
Ikaw sino ang latest na nagAdd syo sa FB? Natry mo bang magsearch ng mga dating kakilala or exBF /GF mo? Anong naramdaman mo ng makita mo ulit sya (sila)?
(maalaala mo kaya mode)