May katarungan ba or wala?
Isa po sa ating kababayan ang nalathala sa pahayagan ng gulf times ngayon 26 Aug. 2009. Hindi naman po lingid sa kaalaman ng iba ang nangyari sa kanya at sa kanyang kumpanyang pinagtatrabahuan. Ang tanong ko lamang po ay tama po ba na ipalathala pa sa dyaryo ang kanyang sitwasyon at ang sabi pa ay kung sinuman ang kumakanlong sa kanya ay mapapatawan din ng kaparusahan? Likas talaga sa ating mga pilipino ang tumulong sa ating mga kababayan lalo na't kung lalapitan ka niya upang personal na humingi ng tulong. Sa aking pagkakaalam, ang namamahala rin ng kumpanyang kanyang pinaglilingkuran ay atin din pong kababayan, hindi ko po talaga alam kung ano ang namagitan sa kanila ng kanyang kumpanya kung bakit humantong pa sa ganito ang kanyang sitwasyon.
Mas maganda siguro kung pag-usapan na lang nilang pareho kung anuman ang mga di nila pagkakaunawaan dahil pareho naman silang pilipino. Sa ganang akin lang, wala naman sigurong bagay ang hindi mapagkakasunduan kung magiging bukas lang ang isipan ng bawat isa sa mga pangyayari..
Kayo po ano po sa palagay nyo?