Masaya ba kayo ngayon?
Ang kasiyahan ng tao depende sa perception ng bawat isa. Merong masaya dahil sa may maayos na trabaho, masaya dahil sa kapiling ang pamilya, masaya dahil nasa mabuting kalusugan ang mga mahal sa buhay at masaya dahil sa may katahimikan ang ating isip at contenment sa buhay. Meron namang mga tao na masaya dahil sa marami silang pera, masaya dahil sa nakakalamang sila sa kapwa at masaya sila dahil sa paninira ng kapwa.
Minsan ba naiisip natin kung ano ba talaga ang source nga kasiyahan natin?
Halimbawa, sa umagang ito, natanong ba natin sa ating sarili kung bakit tayo masaya ngayon? Oo, ngumingiti tayo, tumatawa hanggang sa humahalakhak dahil sa bugso ng kasiyahan na ating nararamdaman. Iniisip natin na masaya tayo ngayon dahil may mga tao na nagmamahal sa atin ng lubos at kapiling natin sila. Masaya tayo ngayon dahil sa achievements natin sa trabaho at pinuri tayo ng ating boss. O kaya tama rin bang isipin na masaya kayo ngayon dahil may inaaway kayong tao at sa tinging ninyo panalo kayo sa laban na kung susuriin wala namang ipaglalaban? Tama bang isipin na masaya kayo dahil sa nakapagbabato kayo ng masasamang salita sa kanya at nakita nyo na parang sang-ayon man ang iba sa mga sinasabi nyo against sa kanya? (Well, another achievements nyo nga yon)... :)
Sabagay, uulitin ko lang ang kasiyahan ay depende sa pananaw ng bawat isa…