Maria Venus Raj fights for her right as Bb. Pilipinas-Universe
![nicaq25](https://files.qatarliving.com/styles/60x60/s3/legacy_new_012/pictures/2015/05/06/1430865521_919732064.jpg?itok=Si6OvBRe)
Halatang masama ang loob ni Maria Venus Raj sa pagkaka-dethrone niya as the Binibining Pilipinas-Universe 2010 dahil diumano sa inconsistencies na natagpuan ng pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities sa kanyang mga statements tungkol sa kanyang kapanganakan at sa kanyang birth certificate. “Sobrang sakit lang po sa akin ang sinasabi nila na I am disqualified kasi I am born out of wedlock and hindi ako qualified for Miss Universe (pageant) dahil hindi ako ipinanganak sa Pilipinas at kung may inconsistencies man po, sa tingin ko, hindi ko kasalanan ‘yon,” himutok ng 23-year-old beauty queen sa The Buzz kahapon. Sinabi rin ni Venus na kumukonsulta na siya sa abogado dahil ilalaban daw umano niya ang kanyang korona na aniya ay pinaghirapan niyang makuha at deserving siya rito.
...Sa isyung born out of wedlock siya, inamin niyang hindi kasal ang kanyang nanay na Filipina at Indian national na ama na never na niyang nakilala. Bukod pa rito idinepensa rin ni Venus na sa pagpapakilala raw niya during sa pageant ay vocal siya sa pagsasabing isinilang siya sa Qatar at lumaki sa Pilipinas. “’Yun po ang katotohanan na kahit minsan hindi ko po itinago. Screening sinabi ko na po ‘yon sa kanila. Nagpapakilala po ako sabi ko na, ‘I am Maria Venus Raj, I was born in Qatar, I was raised here in the Philippines.’” Emosyunal ang dalaga sa pagsasabing wala siyang alam na nagsasabing hindi puwedeng sumali sa beauty contest ang isang contestant na anak sa labas.
---------------
in response to the posted thread:
http://www.qatarliving.com/node/977917