Manny Pacquiao ninakawan ng pera
Pinay nag 'plead not guilty' sa pagnanakaw ng $89,000 kay Pacquiao
1/29/2009 4:56:30 PM
LOS ANGELES, California - Nag "plead not guilty" ang babaeng inakusahang nagnakaw sa pera ni Manny Pacquiao na nakadeposito sa isang banko sa Amerika na nagkakahalaga ng $89,000 (P4.3 million).
Si Pia Anatalia Quijada, 27 anyos, ay naaresto ng Los Angeles Police Department's Commercial Crimes Division detectives nitong Martes lamang dahil sa kasong grand theft at 32 counts of forgery.
Ang akusado ay asawa ng driver ni Pacquiao at ninong pa ito ng isa sa apat na anak ng mag-asawa.
Ayon sa District Attorney's Office, nagpatulong si Pacquiao kay Quijada dahil hindi nito kabisado ang banking system ng Amerika.
Ngunit nag withdraw si Quijada ng kabuuang $89, 383.49 sa pamamagitan ng pagpeke sa pirma ni Pacquiao sa 32 tseke simula noong Enero 2007.
Nakakulong ngayon si Quijada dahil hindi nakapaglagak ng $90,000 na pyansa at nakatakda itong muling humarap sa Los Angeles courthouse ngayong Pebrero 4.
http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=67664