manghihingi po ng payo

gusto ko lang po manghingi ng payo tungkol sa hinanakit na nararamdaman ko.bilang isang OFW,alam naman natin bukod sa hirap ng trabaho dito,kalungkutan at paglayo natin sa pamilya me iba pang bagay na bumabagabag sa atin.
marami pong umaasa sa perang pinadadala ko.sampu ng aking kamag-anak.ang hinanakit ko lang po ay bakit yung mga kamag-anakan ko na mas bata at malikliksi naman ang katawan ay AYAW humanap ng trabaho,bagkus ang sasabihin ay"me pera naman ipinadadala"at gagawa ng excuses para hindi maghanap ng trabaho.
bakit sa tingin nila RIGHTor PRIVILEGE nila ang kinikita ko?papaano na ako pagtanda ko?
galing sa wala,,,mamamatay sa wala?
may karapatan ba akong umangal at magtanong?
magpayo po naman kayo mga ka-FILEX.
thank you