Malas nga ba talaga tayong mga Pinoy?

fieryangelinthesky
By fieryangelinthesky

Nagpapalit palit na ng presidente sa pamamagitan ng Snap Election, People Power 1, Edsa Dos, atbp. Sa bawat presidenteng nahahalal, hindi maitatatwa na bawat isa ay may batikos na makukuha sa pamamaraan ng pamamahala at pangungurakot.

CORY AQUINO – bata pa kasi ako nuon at ang naaalala ko lang sa kanyang kontrobersiya ay ung sa CARP para sa kanilang 6,453 ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlac. At KAMAG ANAK Inc.

Sinundan ni Fidel Ramos:

FIDEL RAMOS – Ito naman si Tabako, tanda ko sa kanya lahat ay D/P. deregulasyon, desentralisasyon, development at privitization. Bigyang kalayaan ang 3 malalaking kumpanya Petron, Shell at Caltex (Chevron) para magkaroon ng kumpetisyon. Eh paano naman ang pagsasabwatan nilang 3?

NAPOCOR, MWSS, PETRON ay ilan lng sa kumpanya na ibinenta niya upang maging pribado. Maganda ba ang naging epekto nito sa ating mga kababayan? Ang sagot ay napakalaking HINDI.

Proyekto sa imprastruktura ay magkabilaan ang pinakakontrobersyal ay ang AMARI at PHILIPPINE CENTENNIAL sa Clark.

Totoo kaya na si Fidel Ramos ay may isang Mall sa Saipan?

JOSEPH ESTRADA – sobrang alam naman natin ang katiwalian na ginawa niya kaya nga siya napatalsik ng taong bayan sa Edsa Dos. Naroon ako sa Edsa nuong unang dalawang araw ng Edsa Dos… Minura pa nga ni Rosanna Roces si Erap eh. Hanggang sa nahatulan siya ng pandarambong ng Sandigang Bayan. Jueteng, Drug Lord, Boracay Mansion, Sugalan at Inuman sa Cabinet meeting niya, Babae at kung anu ano pa. Sa mga korupsyon na ginawa ni Erap hinahahalintulad siya sa namayapang si Ferdinand Marcos.

GLORIA M. ARROYO - Simula’t sapol ng kanyang pamamahala, samu’t saring korupsyon ang ikinakabit sa kanya at sa kanyang pamilya sa pamumuno ng magiting niyang asawa si FG Mike Arroyo.
Anu ano nga ba ang mga isyu? Isa isahin natin: Pagbebenta ng armas ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa mga rebelde, Jose Pidal, napakalaking padding sa paggawa ng Diosdado Macapagal Blvd., Question–did the Filipino People made these controversies all up?
NBN-ZTE Deal, Fertilizer Fund Scam, ninakaw na 3 bilyon para takpan ang Hello Garci election scandal, 6.5M piso para sa biyahe ng 8 PNP generals, Usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng Bangsamoro rebels, pagsira ng mga kagubatang upang mapagbigyan ang pangangailangan na umuusbong na ekonomiya sa mga higanteng bansa gaya ng China, pagbibigay pardon sa mga nahatulan na rapists, murders at sadists

Sa kasalukuyan ang mainit na pinag uusapan sa pinas ay ang 15 contractors (Ang ilan sa kumpanya ay blacklisted ng World Bank) na nagsabwatan para sa mga proyekto ng gobyerno. At sa kontrobersiyang ito ay nadadawit na naman ang pangalan ni FG Arroyo.

Anu na ang nangyayari sa mga isyu na ito? May pagsisiyasat ang senado at kongreso? May kinahahantungan ba? Pawang natatakpan ang mga mata nila sa suhol ng gobyerno at isinasantabi ang kanilang prinsipyo? Saan na nga ba pupulutin ang Pilipinas?

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.