MAKIKIELAM or HINDI
Pano if makareceived ka ng isang email mula sa kapamilya ng isa sa mga kakilala, officemates, or kaibigan mo dito sa Qatar dahil sa nagkakaproblem silang mag-asawa at nagtatanong if ano ba ang ginagawa ng asawa nya dito sa Qatar anong gagawin mo?
Lets say aware ka din na may ginagawang talagang milagro ung asawa nya dito. Magsasabi ka ba ng totoo or magsisinungaling ka na lang at sasabihin mo behave ung asawa nya dito para walang gulo?
Mahirap kasi ung situation lalo na at may mga anak sila sa pinas na naaapektuhan na rin ng problem nilang mag-asawa. Mas mahirap pa lalo na if sabihin syong for all people kaw lang ang pwedeng magbigay linaw sa totoong situation ng pamilya nila?
Madali kasing sabihing wag nang makielam at buhay naman nila un pero pano kaya if kaw naman ang nasa situation nya or nila at humihingi ka ng tulong pero walang gustong tumulong syo diba masakit din un?
Hay buhay....=(