magtatanong lang po
mga kabayan, ako po ay bumalik sa qatar dahil na rin sa paniniwala ko na ako ay ililipat ng aking amo sa ibang employer. pagdating ko po dito sinabi ko sa kanya na ako'y nakahanap na ng malilipatan. sabi niya sa akin ay hindi naman daw niya ako tinatanggal, ganun pa man nag desisyon ako na lumipat na sa kadahilang:
- hindi siya nagbabayad ng vacation pay,
-ayaw niya akong paglutuin ng Filipino foods samantalang hindi naman libre ang pagkain ko sa kanila
- pwede daw akong kunain ng pagkain nila pero isang beses lang daw sa isang araw
- palahgi niyang ginagamit ang aking day off na iyon lang sana ang panahon na magkasama kaming mag asawa
- hindi niya iginagalang ang aking kontrata.
noong sabado ay nag paalam ako at pumayag naman siya. pero kagabi ay bigla na lamang siyang nagwala at nagagalit sa akin dahil bakit daw nagagawa kong iwanan sila samantalang sila daw ang pinaka mabuting employer at sabay isinumpa niya ako na maghirap hanggang sa ako daw ay gumapang pabalik sa kanyang pintuan.
binalaan pa niya ako na sasabihan ang magiging amo ko na kontrolin ang pag gamit ko ng internet ( sa hindi ko malamang kadahilanan ay palagi niyang pinag iinitan samantalang may sarili akong laptop ).
sabi niya wala daw karapatan sa labor law ang mga katulong, Totoo po ba ito?
noong ako ay humingi ng advise sa ating embahada, sinabihan ako na huwag ng magreklamo dahil mabait pa din daw ang amo ko.
Nagulat ako, sahalip na tulungan akong ipaglaban ang karapatan ko ay ganoon pa ang sinabi sa akin na para bang ako ay walang karapatang mag reklamo.
ano po ang masasabi ninyo mga kababayan ko?