lagyan mo ng pamagat aking kaibigan!

pag-ibig ko sa iyo ay parang isang bulaklak
itatanim ang buto sa lupang payak
didiligan ko ng tuwa para hindi ka umiyak
aalagaan ko ito upang luha'y 'di pumatak
ang iyong mga sanga'y aking patitibayin
huwag mag-alala hindi ko pipitasin
kapit ng ugat sa lupa'y aking pananatilihin
'sing tibay ng pag-ibig ko na mahirap bunutin
bawat binhi mo, aking pararamihin
iingatan palagi at hindi babalewalain
kapag talulut mo ay unti-unti nang bumuka
nangangahulugang pag-ibig ko ay nagbubunga
ang bawat samyo ng iyong halimuyak
kay sarap simsimin hanggang sa huling patak
sa sandaling ikaw ay aking aamuyin
pakiramdam ko'y ika'y aking aangkinin.
ang pag-ibig kong alay ay hindi mahalay
wagas na pagsinta ang kanyang tinataglay
pag-ibig ng isang kaibigang tunay
isang pangakong hindi maghihiwalay
mga nasambit ko iyong pakaisipin
pag-ibig kong alay ay huwag masamain
'pagkat tunay itong aking saloobin
mamahalin kita at hindi lolokohin