Kuya’s Unsent Letter to Bunso
Nais ko lamang ibahagi senyo ang isang nakakantig pusong sulat galing sa kuya para sa kanyang pinakamamahal na bunso....
"
Dear Bunso,
Hapi 18th Birthday. Dalaga ka na. As promised, lisensiyado ka nang kumerengkeng sa mga boys na umaaligid – aligid sa ’yo. Kahit naman nasabi ko sa ‘yo ‘yun, baka makasapak pa rin ako ng kung sinumang kumag na mambobola sa ‘yo. Deep down in the heart of every kuya, a bunso will always be bunso forever.
Ambilis ng panahon. You’ve now grown into a beautiful lady. Dati ’butt of jokes’ ka lang sa usapang magkakapatid dahil ikaw lang ang maitim. Sige na nga, morena. Sabi ni Mama, kung meron mang magkakagusto sa ’yo, e tiyak foreigner ’yun na mahilig sa iguana at exotic foods.
Nami-miss ko nga minsan ’yung mga kakengkoyan mo. ’Yung mga expressions mong ’ngek!’, ‘toink’ saka ‘hala naman kasi’, mga nagpapangiti sa ‘kin pag naaalala ko. Naka-save din lahat ng ’lab yu’ saka ’ingat’ na text messages mo kahit paulit-ulit mo lang fino-forward. Lam ko namang nagpapadagdag ka lang ng allowance, style mo bulok, mana ka nga sa ‘kin.
Biro lang. I know you’re sincere. Promise ko sa ‘yo, I’ll do everything para mapagtapos ka. Kahit magtrabaho ako bilang pornstar, gagawin ko ’yun para sa ’yo.
First year nursing ka na. Di ko alam bakit ‘yon e takot ka naman sa dugo. Pero sana di mo nakuha ’yung idea na mag-nursing dahil dun sa mga porn mags ko na may mga babaeng nakasuot ng maiikling damit pang nars. You don’t have to pressure your self in your academics too.
Heto ako wasted over beer with some prens. Nagde-daydream pa din kahit hating gabi na. I’m here gazing over the stars and chasing dreams. Nami-miss ko na kayong mga kayong lahat. Isang buwang sahod ko ’yang pinadala ko pam-blow out mo. I-treat mo lahat ng classmates mo or i-rent mo ang buong resort para walang manyak na makapasok. You only get one debut, make it memorable. Don’t worry about me, mangungutang na lang ako kay palalabsko ng panggastos ko araw-araw. Take care, kuya labs you always.