KAWAWANG JUAN…
Sa paglalala ng gulo sa Libya, maraming Pilipino ang naapektuhan at napauwi ng di oras. Nakakalungkot isipin na sa di inaasahang pangyayari ay naganap ang gulong ito. Maraming pinoy ang nawalan ng trabaho at syempre marami na namang pamilya ang maghihikahos sa hirap.
Ang tanong naman dito, “Ano kayang tulong ang maipaparating ng gobyerno sa mga napauwing OFW na ito? Ayon sa aking nasagap na balita, na malaki daw ang inilaanng pundo ng gobyerno para sa mga OFW na naapektuhan ng gulo sa Libya. Umaabot daw ng bilyong pesos ( di ko sure ang exact na amount) pero mukhang kakarampot lang ang matitikman dito ng mga OFW dahil sa inataki na naman daw ng mga kurakot ang nakalaang pundo. Ayon sa narinig ko, isang halimbawa lang dito ay ang “plane ticket budget” daw ng mga pinauwing OFW ay $1,500/- bawat isa, pero isipin nyo naman magkano ba ang one-way plane ticket ngayon? Sa tingin ko napakalaki masyado ang amount na ito para sa one-way ticket lang.
Ito pa, para maibsan ang nararamdamang lungkot ng mga bumalik na “workers,” binigyan sila ng tig-10,000 pesos na sa tingin ko ulit ay talagang kulang na kulang sa kanila. Marahil ay isang buwang gastos lang ng mga pamilya o kulang pa nga. Sabagay, dapat na rin itong pasalamatan dahil kahit papano meron.
Pero ang tanong ko ulit. “Saan ba galing ang pundo na ilalaan dapat sa mga “workers” na ito? Di ba sa kaban ng bayan? At saan galing ang laman ng kaban ng bayan, di ba sa dugo at pawis ng karamihang OFW workers? Samakatwid, di ba nararapat lang na maramdaman ng mga OFW ang lubusang tulong ng gobyerno? Pero asan na?
Ang sagot? EWAN.. Basta kawawa talaga si Juan.