kaunting tulong po and idea....
magandang araw mga ka-filex....
nais ko lang po humingi ng kaunting kaalaman at idea tungkol po sa sitwasyon ko po sa sponsor ko, eto po ang storya.....
ang sponsor ko po ay isang company na parang manpower agency, tapos sa ibang company ako nagwowork bilang merchandiser sa isang malaking electronics store.. ngayun po eh nakapag pa medical na po ako almost 3 weeks ago and hindi po matuloy tuloy yung finger printing ko for RP na kesyo reschedule daw, yung PRO daw ang tatawag sa akin, etc etc. na sa hanggang ngayun po eh wala pa ring linaw...ngayun po eh yung electronics store na pinagtatrabahuhan ko po eh binibigyan ako ng hanggang ngayun na lang to have my rp kasi nga po eh ayaw nila tumanggap ng merchandiser na wala pang RP..yun namang company na nirerepresent ko sa electronics store eh tumatawag na din sa sponsor ko para maayos yung RP ko pero hindi rin siya sinasagot sa mga email at tawag...suma tutal po eh bukas wala na ako work...offer letter palang po napipirmahan ko sa sponsor at wala pa pong contract ako napipirmahan...ano po ba ang mga dapat kong gawin?...ayaw ko naman po mahinto sa trabaho kasi po eh lubog ako sa utang sa pinas, yun nga pong sweldo namin eh wala pa rin pong kalinaw kung maibibigay this coming july 5th...sana po mabigyan nyo ako ng idea...
maraming salamat mga ka-filex.God bless us all!