Kailangan ko po Tulong Ninyo Mga Kababayan
Ang misis ko ay nagpunta dyan sa Qatar last August5, 2007. Ang akala ko ay yung kaibigan namin ang tumulong sa kanya para makapunta dyan. Mabuti n lng at may nagmalasakit sa akin at nagyon ko napatunayan na may mali pala syang ginagawa. May ibang lalaki na tumulong sa kanya at nagsasama na sila dyan. Napakhirap tanggapin para sa akin kasi maliliit pa ang mga anak namin at sila ang maapektuhan nito. Bawal ang ginagawa nila pero hindi ko alam kung bakit ipinagpapatuloy pa nila. Ang gusto ko lng sana ay maganti man lang or ano ang magandang gawin sa kanila. Nasa akin ang picture nung lalaki at alam kong ang buong pangalan nya. Alam ko rin kung saan cya ngawowork ngayon. I need justice talaga para sa ginawa nila.Maraming salamat...