Kaibigan daw kuno...
Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging matulungin sa pamilya at mga kaibigan. gagawa at gagawa tayo ng paraan matulungan lang sila o mabigyan ng kasagutan ang anumang katanungan o tulong na hinihingi nila.
Hetong kaibigan ko, may kaibigan na humingi ng tulong makapag-abroad lang. syempre hinanapan muna sya ng mapapasukan dito though di rin makapayag ang ilang employer dahil nga wala pa si kaibigan nya. humingi na ng payo itong si kaibigan ko, nagplano naman sila dalawang magkaibigan, nahanapan ng visa - nabilihan na ng visa makalabas lamang ng bansa; binilihan na rin ng ticket na 2-way pero dummy ung isang way para nga makamura, hanggang sa dumating ang araw, lilipad na si kabigan daw ng frenship ko. nakarating na ng Doha. syempre wala namang ibang tutuluyan si kaibigan nya kaya pinatuloy ng frenship ko. patapos pa lang ang ramadan nuon kaya kinabukasan di agad nakapaghanap ng trabaho. few days after sinimulan na nilang maghanap. may mga interviews pero mababa daw ang offer. well, wat can we expect sa first timer sa abroad di ba! unless competetive sya ng bonggang bongga. same scenario sa mga nakaraang linggo hanggang sa kelangan na nyang magdecide, either i-extend ang busines visa or exit sya dahil penalty sya ng bonggang bongga. ang ending,gusto na nyang umuwi na rasong hindi daw talaga para sa kanya ang magtrabaho dito sa Qatar. sinamahan pa ng rason na kelangan na nya talagang umuwi dahil inatake sa puso ang tatay nya. kampanteng maayos ang usapan at desisyon nyang umuwi na lang at aanhin naman daw nya ang pera na kaya nyang kitain sa pinas kesa di nya maabutang buhay ang tatay nya.
nakauwi na si kaibigan ng frendship ko sa Pinas. nagtawag pa hindi nagtext take note nung New Year at nagbigay ng message sa kaibigan ko na salamat daw sa lahat lahat ng tulong blah blah blah...
weeks after heto na, tumawag daw itong side ng kabigan ng frenship ko na magdedemanda daw sila ng 'human trafficking' kung hindi daw nila ibabalik ang ginastos nung kaibigan ng frenship ko. abah, naloka rin ako kasi kaibigan ba ito? tsaka akala ko ba magkaibigan kayo? at akala ko rin ba wala syang pakialam sa ginastos nya makauwi na lang sya... blah blah blah... grabeh di ba! humingi ng tulong, tinulungan mo sa abot ng makakaya mo tapos idedemanda ka pah.
posible ba ang ganito mga kapatid? anung hakbang ang pwedeng gawin to encourage him not to be scared with that threat? possible din ba ang threat na iyun sa kaibigan ko? paanong naging human trafficking ang issue? nakakaloka lang kasi itong si kaibigan ng frenship ko...