Kabayan.....tulong po
Hello mga kabayan. Need advise lang po. Nagresign husband ko sa work nya after 9 years. Bibigyan naman daw sya ng NOC bastat di sya magmamadali na kunin ang end of gratuity nya. Naghintay sya ng 6months for his end of gratuity pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Nakahanap naman sya ng work at binigay sa kanya ang NOC and other required documents. Pero after nilang maibigay lahat ng papers. Gusto nilang papirmahin ang asawa ko sa kasulatan na natanggap nya na ang bayad para sa gratuity nya, kahit wala pa syang nareresib. Ayaw pumayag ng asawa ko, pero sabi sa kanya nung may-ari pagsisisihan daw nya ang desisyon nya at pinagmumura. So kinabukasan, nagulat kami ng tinawagan sya ng magiging bagong company nya sana na pinapatigil daw yung pag-proseso ng mandoob niya from his old company dahil malaki daw ang ninakaw nya sa company, masama daw ugali, at minura daw nya ang may-ari ng old company niya, wherein walang katotohanan lahat ng binibintang nila, in short siniraan sya.
Ang tanong ko po ngayon, sino po ba ang pwede naming lapitan sa POLO to file a complain. Meron na po ba kayong experience to file a complain sa kanila. Sabi po kasi ng asawa ko nag-try sya one time don to inquire pero sad to say, medyo di po approachable yung nakausap nya at pinapa-direkta lang sya sa Department of Labour. Baka may kakilala po kayong pwede naming lapitan or advise na pwede naming gawin.