Kabayan nga ba?

May ipinagagawa ako sa bahay. Arrangement kasi namin ngayon dito mula nung babaan ako ng upa ay kung may masira sa electrical appliances, ako na ang sagot sa gastos.
So nung may nasira, yung real estate ang tumawag sa company na gagawa. First time dumating isang pinoy, tinignan yung aparato pagkatapos sabi ni kabayan abutin daw ng 3K QAR lahat. Sabi ko mahal naman. Sabi niya kung gusto ko bayaran ko siya ng 1.5K QAR at may kakahuyan siya ng piyesa para ding bago yun anya. Sabi ko tawag na lang ako pag may pera na ako.
After some months na hindi ako nakatiis, pinatawagan ko ulit yung company na gagawa. Ibang pinoy naman ang dumating. Sabi niya motor lang ang sira. 2K aabutin pero kung bigyan ko siya ng 1.2K ay mapapalitan niya ng spare yung motor. Sabi ko ulit pag-isipan ko.
After ilang months na di ko na talaga matiis pinapuntahan ko ulit. Dumating 2 na ibang lahi, tinignan. At sabi niya walang sira ang motor, yung railing lang ang sira kaya tumitigil ang motor. So palit ng dalawang railing, linis at labor ay 700 lang lahat. Tinanong niya ako kung ano lahi nung unang pumunta at sinabi na sira motor ko at palit buong mechanism. Sabi ko Pinoy. Ngumiti lang na umiiling-iling yung 2.
Naisip ko tuloy kapwa ko Pinoy tinangka akong isahan. Napahiya rin ako dun sa 2 ibang lahi. Kaya sabi ko tuloy siya na lang ang bumalik pagpalit ng railing.
Hindi lang ito ang unang experience ko sa ganito. Bakit kaya minsan kung sino pa kalahi natin yun pa ang mahilig mang-isa sa atin? Imbes sana magtulungan.