Jollibee - OFW edition

magandang hapon po mga kapamilya, kapuso, kaberks, at mga dabarkads...
ako po ay isang baguhan lang dito sa gitnang silangan, at tulad din ng iba nating kabayang OFW ay nami-miss ko din ang ating sariling langhap-sarap fastfood na jollibee...
etong nakaraang eid holiday ay nagbakasyon ako sa dubai at pinagpalang makakain isang beses sa jollibee doon (tapos nag-chowking din ako kinabukasan, pero ibang storya na yun... hehe...)
nababalitaan ko dito sa filex na magbubukas din dito sa qatar ang jollibee... kayat minabuti kong ikwento ang aking naging karanasang ito, at magbigay ng aking opinyon sa mga nakain ko dun...
- unang-una na-culture shock ako kasi hindi pumipila sa counter para umorder tulad ng sa pinas... upo ka na agad sa table mo, tapos may kabayang waitress na lalapit sayo para bigyan ka ng menu at kunin ang order mo... resto pala dito ang jollibee at hindi fastfood!... =P
- umorder ako ng 2-pc chickenjoy meal... pwede!... katulad din ang lasa niya sa pinas... kaso walang kasamang kanin yun, kaya oorder ka pa ng rice... pero tulad din ng jollibee sa pinas, super liit yung 1 order ng rice... kaya cguradong kulang ang isang order...
- palabok fiesta... very disappointing... walang-wala kumpara sa palabok fiesta sa pinas... hindi nga siya lasang palabok... para siyang miswa na may pulang sauce na walang lasa... tapos ang sahog lang niya ay sangkatutak na tinadtad na spring onion at giniling na mukhang ginagamit din nila sa spaghetti... sayang, paborito ko pa naman ang palabok... wish ko lang yung palabok ng jollibee dito ay at least lasang palabok man lamang, at hindi mukhang spaghetti na walang lasa... =P
- chicken tocino breakfast joy... oo, merong mga breakfast meals kahit tanghali... at sabi ni kabayang waitress kahit gabi pwede ka rin umorder ng breakfast meal!... =D pwede din to!... masarap yung tocino, lalo na pag sinawsaw sa suka nila...
eto lang mga nakaya kong tikman, pero sabi ng mga kakilala ko masarap din yung champ, saka mga hotdog...
kayo po, ano ang inyong karanasan/opinyon or wishlist para sa magbubukas daw na jollibee dito?...