Is it worth to be silent?
Naranasan nyo na bang mawalan ng pera at alam mo kung sino ang kumuha pero di mo masabi sa harapan nya dahil parang ikaw pa yung napahiya..
It happened last three weeks ago, i know this person for 2 years now,sa pag aakala ko mabait naman, so pag christmas and new year lagi siyang may regalo sa akin dahil ina-appreciate ko siya, pero nagkamali ako di ko pala siya ganun kakilala, siguro i just trust too much, i just told her na bibili ako saglit ng hala card sa tabing tindahan, kumuha lang ako ng 30 riyals at iniwan ko ang wallet ko sa sofa nila...
nung magbabayad na ako nagulat ako kasi alam ko na may kulang sa pera ko, bakit kamo? ka wi-withdraw ko lang ng 2T bago ako nagpunta dun, so aware ako kung magkano ang pera ko and the fact na wala naman akong dinaanan na iba dahil dumiretso ako dun pagkatapos kumuha ng pera sa atm at isa pa dadalawa kaming tao na nandun.
alam ko mismo na nawalan ako ng 500 riyals pero di ako nakapagsalita man lang, though ininform ko yung manager niya, ako pa ang nakiusap na wag nang i-confront yung tao dahil naisip ko rin ang sitwasyon niya, ayoko kasi na napapahiya ang isang tao dahil yan din ang ayaw na ayaw kong mangyari sa akin..
ayokong magbintang kaya pinabayaan ko nalang.. if you we're in my position magsasalita ka ba? will you have the guts to ask her? or it is just worth being silent? wala lang, it just run to my mind again if i did the right thing..