Invisible Clash.... na experienced mo na ba ito?
I dont know what's the exact word will describe this feeling kaya yan na lang ang ginamit ko.... "Invisible Clash"
Ewan ko ba may isang tao na kahit ibeso...beso nya ko tuwing magkakasalubong kami or ilabas pa niya lahat ng ngipin niya para ngitian ako is hindi ko talaga ma-feel un sincerity "plastic / orocan" ang dating sa akin!
Of course, di naman lahat ng taong nanameet ko everyday is ganoon ang feeling ko. Sometimes nga 1st meeting palang connect na kami agad... But minsan may ganun feeling talaga na parang alam mo agad na di mo makakasundo un tao sa unang kita palang!
well the truth is as in pinilit 'ko siyang gustuhin, ang daming chances na naibigay sa'min para maging close kami pero walang nangyari. Wala naman syang ginawa sa'kin pero mabigat ang loob ko sa kanya.
Insecure? Simple lang naman sya... Matalino? Ordinary lang naman... kaya NO WAY na may kaiingitan. I also tried so many times to be friends with her but parang wala kaming chemistry.... di kami click sa isa't-isa... walang rapport! =I
For others OK naman daw siya,pero ewan ko ba... Ewan ko ba... O baka masama lang talaga siguro ugali ko! lol!
May ganito talaga, maniwala ka man o maniwala ka! hahaha!. But the important is 'di ko inaalis 'yung respect kahit hindi ko gusto ang isang tao. Kaya ang scene tuwing may meeting -- wala lang...
Kaw ba naExperienced mo na ba to'?