Insurance ........ is advisable or not???
For the past few months halos laman ng balita ang issues regarding sa mga different pre need companies sa ating bansa...mapa-lokal at multi-national man...
Partikular sa mga educational plans na bunga nga paghihirap ng bawat mga magulang makahulog lang dito...
Sa panahon ngayon mahirap magpaaral ng anak at kung ito'y kukunin mo lang sa iyong sahod ay tiyak kukulangin ka..kaya't ang ibang magulang at pumasok sa ganitong investment nang sa gayo'y meron silang nakalaan na pondo sa kinabukasan ng kanilang anak...ngunit dahil sa pagbasak ng ekonomiya lubos na naapektuhan ang sektor na ito. Ang iba'y nagsara na at tuluyan nang kinalimutan ang kanilang mga investor...
Tanong ko lang...sa napapanahon ngayon... mainam pa bang maginvest sa iba't ibang insurance...life insurance, educational plans, pension plans...at kung nararapat pa din maginvest..ano naman insurance company ang dapat natin pasukin.... meron kasi akong mga kaibigan na ngainvest sa Sun life at dahil nga sa krisis at nagaagam agam sila kung itutuloy pa nila ito...