Hirit sa Umagang Kayganda
Sa umaga, bukod sa deretsong pagwewe sa CR with eyes half-closed, magmumog at maghilamos, eto ang unang ginagawa ko para umpisahan ang araw ko – ang maghiwa at mag squeeze 1/2 slice yellow lemon sa isang baso ng tubig.
Narinig nyo na ba yung tungkol sa lemon water detox? Kung hindi pa, pwes! I-google nyo! Lol!
Seryos, wag na tayo mag anu-ano pa, harapin na natin ang totoo that we are now living in a highly toxic world. Air pollution, lamon ng junk foods, maruming tap water, food preservatives at ng kung anik-anik pa, imposibleng walang may naiipon na toxins sa mga bodylicious natin.
Siempre, kelangan i-flush natin ang mga naipon na lason na yan. At hindi naman kelangan ang gumastos tayo ng mahal para mag-detox. Pinakamura o pinakasimpleng paraan na yata siguro ang magpakabundat sa pag inom ng TUBIG. At sempre, para mas masaya, pigaan nyo na rin ng yellow lemon ang tubig nyo.
Lemon water is very alkaline din at malaking tulong talaga to detoxify our body system. So bago lumagok ng coffee o kumagat ng fave nyong breakfast meal sa umaga, - start your every single day with a glass of detoxifying lemon water!
nais ko palang pasalamatan ang may akda ng topic na to... si sexy maru...