HELP! ANONG GAGAWIN?
Nais ko po lamang mabigyan ng kasagutan/kaliwanagan ang problema ng isang kaibigan.
Noong May 2008, pumunta cya dito sa Qatar, naghanap ng trabaho at swerte naman nakakuha agad.
Lahat ng papeles nya naisalin na sa sponsorship ng kumpanyang kumuha sa kanya. Ayos na sana ang lahat subalit makalipas ang walong buwan, gawa ng economic downturn, nagtanggalan ng empleyado ang kumpanya.
Kasama cya sa mga natanggal at nagtapos ang kanyang huling pasok noong katapusan pa na Enero. Dala ng kaswertehan nakakuha rin agad cya ng bagong trabaho kinabukasan mula sa huling araw ng kanyang pasok. May Offer letter cyang hinawakan. Paconsuelo de amor ng kanyang dating kumpanya, ay binigyan naman cya ng release at ng NOC para makakapagpanarabaho uli. Ngayon, inabsorb cya ng isang bagong kumpanya na kanyang kasalukuyang tinatrabahuan.
Sa maikling salita, namamalagi cya dito gamit ang bisa ng dati nyang kumpanya na hanggang ngayon ay di pa naipakansela pero nananarabaho cya sa bagong kumpanya. Valido pa ang visa hanggang Mayo ngayong taon. Subalit ang dati nyang kumpanya ay atat na atat ng maipasalin ang kanyang visa para wla na silang katungkulan sa kanya anuman ang mangyayari.
Ngunit sabi ng bagong kumpanya nya, di pa ngayon maaring maisalin ang kanyang work visa sa kanila dahil nga wla pang isang taon ang kanyang lumang visa.
Sa ngayon, alalang alala ang aking kaibigan.... Ano ang nararapat gawin...? Salamat sa anumang comment ang maipapayo ninyo...