gusto ko nang magresign, 2buwan pa lang ako sa trabaho
magandang araw.
dumating ako dito marzo 9, hired ako sa pilipinas. sa kasamaang palad, di ko gusto dito sa Doha pati na rin ung aking trabaho ngaun at ang mga kasamahang Pana. pwde akong bumalik sa UAE dahil pinapabalik ako ng dati kong kompanya doon. ang aking tanong, kailangan pa bang magpasa ng resignation letter? alam ko na kailangang magbayad ako ng mga ginastos nila sa akin at walang matitira sakin dahil nagbayad din ako ng Placement fee sa Pilipinas na umabot ng 50k. pero ayoko na talaga dito. maaari ba na hindi nila ako payagang magbitiw? at may nakausap ako na pinay na sabi nya ay pwde nya akong kuhaan uli ng visit visa para sa dubai kahit wala pa ako reseident visa.Wala pa rin akong pataqa dito.
salamat
jules