GISING!!!
Mahaba na sa 'kin ang 6 na oras na tulog pag weekdays. Madalas 4-5 hours lang tulog ko kaya di tlga maiiwasang antukin habang nagmamaneho (which is dangerous) o sa opisina.
Naalala ko pa nung nasa 2nd year high school ako, 1 oras ang biyahe mula sa bahay hanggang sa school ng walang traffic. Madalas akong natutulog habang nasa byahe lalo na pag-pauwi dala na rin ng sobrang pagod. Hanggang sa isang araw ay nagising na lamang akong lumagpas ng tatlong baranggay mula sa bahay namin. Para naman di msyadong nakakahiya at di mahalata, pasimple akong pumara at nagmamadaling bumaba. Talagang mangiyak-iyak ako that time. Sobrang nag-alala ako kasi gabi na at 3piso nalang natira sa pera ko, kulang ng 3piso pabalik samin. Wala pa akong cellphone nun kaya ang ginawa ko eh pumara nlng ng multicab at sinabi sa mamang driver na kulang pamasahe ko, uuwi muna ako saka aabangan ko nalang sya sa kalsada at iaabot ang pera. Buti nalang mabait si kuya. =)
Kahit ngaun marami akong katangahang nagagawa dala ng antok lalo na sa opisina. Buti nalang kamo solo ko ang editing suite at bihira lng pumasok ang mga tao sa loob. This week lang, habang tinatapos ko ang pagduplicate ng mga dvds ay sya namang pagdalaw ng antok ko. I was duplicating 100 dvds and have to print its label too. Dala na marahil ng sobrang antok at aking tangahan ^_^ tama bang magprint ng walang lamang cd ang printer sabay magtakang umabot nalang ng 30 minutes di pa tapos ang 1 pirasong dvd na piniprint q. Okay lang basta umabot sa deadline. :D
Senxa na, inantok lng po ako bigla kaya naisipan kong magsulat. hehe! Kayo, anong mga nakakalurking experience ang naencounter nyo sa sobrang antok?