GARY V. I LOVE YOU!!!

Hay naku kahit antok pa and masakit ang lalamunan ko kagabi sa kakahiyaw sa concert ni Gary V. but ito no choice but ang pumasok sa office. (hikab)
Ang medyo disappointed lang me sa sobrang haba ng pila na naturingan kang VIP but grabe din ang hirap & tagal na wait namin sa labas ha?! Dumating kami dun ng 6:00pm but mga 7 na yata sila nagpapasok sa loob ng venue. Grabe haba ng pila as in! Magkasama sa line ang mga VIP and QR90 while sa kabila naman un mga QR60. Tapos syempre FILIPINO TIME 8:30pm na yata nagstart un concert. Tapos di pa organized un pagpasok kasi aside from the ticket na binili u pagdating pala sa mismong venue e papalitang ng VIP BADGES with corresponding seat number. Tapos un namimigay wala pa sa systema. Walang problem dun sa pagpalit ng ticket e and sa pagpila ang problem is naturingan may seat number ka but pagdating u dun di naman pala nasusunod so ang iste pagdating u dun kanya-kanya pala ng upo. So if kampante ka sa labas dahil akala mo maganda un lugar na uupuan mo pwes if mabagal-bagal ka dun ka na sa likod uupo or worst is nakatayo ka na lang! Ang masama pa dun un ibang mga late comers kinukuha nila ng upuan sa likod saka ilalagay is sa harap at dun pinauupo kaya nagagalit un ibang kababayan natin. Unfair nga naman na late na silang dumating mas malapit & mas maganda pa un place nila kesa sa amin! Gggggrrrrr!!!>=(
Anyway, till now feel ko pa din ang pagiging energetic ni Gary. Grabe ang energery nya talaga as in straight ang performance nya!
No wonder kaya naman pala sya binansagang "MR. PURE ENERGY"! Parang bago ang battery nya that night.
ako ang hinihingal & napagod sa kanya kagabi. Taas din ang kamay ko sa mga guest nya kagabi like kay Yeng and syempre sa kanyang mga anakis na nagmana sa akin este kay gary pala sa pagiging talented! Tama nga naman un sinasabi din nilang pag si Gary ang nagconcert susulitin nya talaga ang bayad mo.
Ang nakakatawa part un akala namin tapos na but ayaw pa rin namin umalis hoping na babalik pa sya kasi ung mga tao sumisigaw pa ng "MORE! MORE!" Yung iba naglalakad na pauwi but nakalingon pa din sa stage. Di naman sila binigo ng Gary bumalik ulit sya nagChanged custome lang!=D
Medyo nakakasad lang un last 5 songs lalo na un kinanta nya ung pasko na sinta ko and i will be here...(na home sick tuloy me) saka un nagpapaalam na sya hay... (emote mode)
In other words kahit na medyo palpak ang mga organizers ng show sulit pa rin naman ung QR150 ko kagabi dahil kay
gary!
AAaaaaaaa... Eeeeeeeee....
GARY and Gabriel I LOVE YOU!
(Sigaw ng bading na katabi ko last night!)
HAYYYYY....SA UULITIN!!!
O kayo ano kwento nyo sa concert?=D