Ganoon kami noon. Ganito kayo ngayon. Paano sila Bukas?
Mukhang dumadami na yata ang mga isyung sangkot ang kabataan sa ngayon.
Teen Pregnancy
Teen S*x
Teen Abortion
Teen Alcoholics
Teen Drug Addicts
Teen Delinquents
Teen Prostitutes
Fraternities among teens
Gang Rapes
Plus ang karamihan sa kabataan yata ngayon kundi gumimik. Gumala. Uminom at magpasasa sa perang bigay
lang ng magulang. Mga kabataang akala mo eh may napatunayan na kung umasta sa magulang. Mga rebeldeng walang ipinaglalaban. Ang henerasyon ng kabataan ngayon, mukha yatang walang paruroonan...
Maaring ganun din ang henerasyon namin / natin dati but tila yata mas malala sila ngayon diba?!
Ano na nga ba nangyayari sa kanila?
Nakakatakot at nakakalungkot isiping ang mga problemang kinasasangkutang ng ating mga kabataan ngayon.
But sa tingin nyo sino ang dapat sisihin kung bakit sila nagkaganyan??? Magulang ba? ang media? Ang pababang antas ng edukasyon? O ang lipunan mismo?
Kung magpapatuloy ito paano na ang Pilipinas?
May pag-asa pa ba?
Ganoon kami noon. Ganito kayo ngayon. Paano sila Bukas?