FOOD POISONING- DUBAI INCIDENT (FILEX)
Just received this email and maybe Filipinos here in Qatar might be interested/informed.
=======================================
Dear Concerned Filipino Citizens,
Magandang araw po!
Gusto po sana namin na ipagbigay alam sainyo ang mga nangyare sa aming pamilya sa Dubai mula noong September 20, 2009 hanggang sa kasalukuyan. Noon araw na ika-20 ng September po ay nagluto ng hapunan ang aking pinsan na c Marissa Orbeta para pagsaluhan ng aming pamangkin na cla Justin Afuang at kapatid na c Elijah Afuang kasama na po ang kanilang Mommy (Daisy Afuang) and Daddy (Dr. Jonathan Afuang) .. Makalipas po ang ilang oras nkaramdam na po ng biglang pagkahilo c Marissa Orbeta at sunod-sunod na pagsusuka kasabay na po ng dalawang beses na pagkawala ng malay sa toilet habang sumusuka, nagmadali po ang mag-anak na dalhin si Marissa sa ospital. Habang inaayos po si Marissa ngumpisa na rin po ng pagsusuka ang mga bata pati ang mga magulang. Nagtungo po ang maganak sa Iranian Hospital sa Satwa pgkatapos po ay binigyan ng gamot lamang at pinauwe na. Pagkauwi po ng mag-anak ay patuloy pa rin ang kanilang pagsusuka at pagkahilo, nagdesisyon na sila na pumunta ng ibang ospital para magpatingin, nagtungo cla sa Belhoul Speciality sa Deira at madali naman silang na-admit at napagalaman na sila nga ay nalason dahilan sa kanilang nakain. Pagkalipas ng ilang araw unti-unti na umayos ang knilang mga kalagayan maliban lang kay Elijah Joshua Afuang, 6 yrs old na maliksi at matalinong bata. Si Elijah ay isinugod sa ICU dahilan sa hirap sa paghinga dumaan sa operasyon, bumigay ang Lungs ng bata at mkalipas ang ilang oras ay kumalat na sa puso ang toxins na dulot ng pagkain, pagkatapos ay tuluyan na siyang kinuha ng ating Panginoon.
Nais lang po sana namin gawin itong babala sa ating mga kababayan na umiwas bumili nga mga frozen foods lalong lalo na ang PERDIX CHICKEN na pinagmulan ng lahat ng insidente.
Gusto rin po sana namin humingi ng tulong sainyo kung anu ang dapat namin gawin, kasalukuyan po kc namin natanggap ang Police Clearance ng bata na nakasulat sa Arabic, i-pinatranslate po nila ito sa English at nabasa na hindi po inilagay ng mga Police na ang dahilan ng totoong pagkamatay ng bata, ang inilagay po nila na dahilan ay "Natural Death" lamang. Ayaw na po ito palitan ng polisya sa hindi malaman na dahilan, sa amin pong palagay ay dahil ayaw nila ilabas ang baho sa bansa na ito at patuloy pa rin nila pinagtatakpan ang ganitong pangyayare na dapat inilalabas para magsilbing babala sa mga tao hindi lng po para sa mga Pilipino kundi para na rin po sa lahat. Sana po matulungan nio kami ipagbigay alam ito sa lahat para hindi na ito maulit at sana po matulungan ninyo kami para maging patas naman po ang maging resulta at mailabas ang katotohanan.
Nais lamang po ng Pamilya Orbeta-Afuang na mabigyan ng tamang hustisya ang pagkawala ng kanilang anghel.
Sama - sama po natin ipagdasal ang mabilis na recovery ng kanilang pamilya at ipagdasal rin po sana natin na makuha ng pamilya Orbeta-Afuang ang hustisya sa lalong madaling panahon.
Maraming Salamat po.
Katrina Arboleda
e-mail: [email protected]