Filex 4th Yr Anniv Celeb goes by land... Final na 'to!
Mga kapamilya at kapuso, as per the previous thread that we created; hindi po natin na-meet ang expected head count so we have decided na sa dating pinagdausan natin ganapin sa 'bukas na dagat' o sa Jolikhor itong Filex Big Event (gawin na lang iyun sa ingles para sa seguridad ng lahat).
Now, seriously we need ur cooperation and help here. Since eto ay 'bukas na dagat' tama ba ako translate ko, sensya na... at medyo may kalayuan, we encourage some na mauuna sa gabi. Syempre, kasama ang inyong lingkod para mauna duon, mai-save at makapagprepare ng bonggang bongga. Pero, hindi po tayo maaaring mag-convoy para sa alam nyo na ang dahilan kaya its now time to coordinate kung kanino at sino kayo makikisabay. Maaaring 2 max of 3 cars lang siguro ang ideal na pwedeng magsabay.
We need committees para sa:
1. Logistics / Direction
2. Food & Prep
3. Program
Alam ko meron nang napag-iwanan para sa committees but we encourage more para maging maayos, masaya at matagumpay muli itong Big Event ng Filex Anniv. Lastly, para sa mga committees, gawa na lang kayo or update nyo na lang ang list/thread/post nyo sa kabilang channel for this matter ASAP. Preferred na oras sa event na 'to: alas-sais ng umaga. The earlier, the better. So pwedeng umalis ng alas-5 or ung iba naman eh mas maaga; or sa late nyt naman kasama namin. Post nyo lang ang concerns ninyo and im sure maraming willing na magbigay ng infos, etc.
Again, pareho pa rin ang petsa ng anibersaryo so sa mga dadalo at makikigulo... taas ang kamay, iwagayway at sumigaw sa sinulid na'to.
Keep posted Filex... gow gow gow!!!