FACE TO FACE

Hi Guys! Natry nyo na bang mapanood ung FACE TO FACE sa channel 5 hosted by AMY PEREZ?
Recently ko lang nalaman na may new program pala sa TV na ang tema is pagAyusin ung mga gulong pamPamilya, kaibigan at kapitbahay.
Ang nakakaloka ung problems nila commonly simpleng away pamilya lang na pwedeng pagUsapan at solusyunan ng sila-sila lang bakit need pang lumabas sa TV at dun magsigawan, murahan at magsakitan!
Ung iba naman was tungkol sa TSIMIS, kawalan ng UTANG na loob o kaya ayaw bayarad utang at ang mas nakakatawa minsan ung problem na pinagAawayan parang walang kwenta naman like ninakaw na TIYANE! hahahaha! Lumalaki lang dahil na rin cguro dumadami ung taong nakikielam kaya naUungat ung iba pang problema.
Ang pinagtataka ko lang bakit need pa nilang lumabas sa TV para pagUsapan lang ung problem feeling ko kasi parang kinakalat lang nila ng BAHO ang isa't -isa sa ibang tao.
Sabi ng ilan SCRIPTED daw un program pero para sa akin parang nakakahiya namang lumabas ka sa TV at magdradrama ka dun minsan may kahalo pang sakitan like sampalan at tadyakan with matching sumbatan pa!
Hay ang mga Pinoy nga naman kakaloka minsan!