Estudyante na nabigong maging magna cum laude sa klase, nag-suicide
ILOILO CITY - Hindi na makakadalo pa sa kanilang graduation ceremony ang 20-anyos na dalaga matapos na pinili nito na tapusin ang sariling buhay dahil sa kabiguang makamit ang magna cum laude award sa kanyang pagtatapos sa kursong BS Medical Technology sa isang unibersidad sa Iloilo City.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Iloilo, nangunguna sa kanyang klase ang biktima mula pa noong elementary subalit nagkaroon ng problema sa kanyang grado sa isang subject sa ikaapat na taon sa kolehiyo dahilan upang maging cum laude na lamang.
Sinasabi rin na pini-pressure umano ng kanyang ina ang biktima na dapat maging magna cum laude at dahil nabigo pinili na lamang nito na magpakamatay.
Uminom ang biktima ng formaldehyde o mas kilala bilang formalin na kanyang inihalo sa chocolate drink at nadatnan na lamang na isa ng bangkay sa loob ng kanyang kwarto.
Ang biktima ay anak ng kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology at nutritionist/dietician sa isang public hospital sa lungsod ng Iloilo.
http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=140102#
-------
Ito ang isang balita ayaw marinig ng isang magulang:(