Embassy Expereince "friend"
Meron po akong kakilala na nagpunta ng embassy. Alam po naman natin na sobrang liit ng consular office nila at sobrang dami na natin dito. Yung kakilala ko po eh medyo nakaisip ng paraan na magbigay na lang ng number kesa pumila at magsiksikan sa counter. NAg suggest din po sya mag volunteer yung ibang pinoy organization para mag control ng traffic ng tao dun and lastly na i suggest na yung babae sa counter eh sa labas na lang puwesto kesa nandun sya sa loob na minsan hindi naman maintindihan at marining ang sinasabi nya dahil kausap nya applicante at the same time co staff nya sa loob. Nag ta trabaho naman sila hanbang nagkukwentuhan kaya ok lang...(sana nga)
Yun pong naka usap nya ay isang matabang babae na may posisyo dun. Kung titingnan nga lang po eh akala mo eh applikante rin lang ng passport renewal na humingi ng day off (heheh joke lang po). Nagulat po sya kasi pagbati pa lang po nya sa kanya ng magandang umaga eh hindi na sumagot tapos tumingin lang at bumalik sa knayang ginagawa. Dahil pursigido po yung kakilala ko na i raise yung suggestion na (tingin ko maganda naman) nilitanya nya in very cheerful way para makuha attention nya. Bigla na lang po daw sabihin nya na "see, I'm......here pero I am working with these stupid passport". Nagulat po yung kakilala ko and dahil alam nya na medyo hindi nga sya pakikingan eh umalis na lang sya.
Nung narining ko ito, medyo na disappoint ako pero wala naman akong magagawa. Pero ang tanong ko nga po, wala ba talaga tayong magagwa? Papaano po ba pag ganito ang na experience nyo? Meron din akong bad experience sa kanila pero dun lang po sa staff nila sa consular office pero yung sa experience ng kakilala ko, kakaiba..hehehe.
Meron din po ba dito na merong bad experience sa ating embahada....?
Note lang po, sharing lang po. Good or bad basta share lang.
(to moderator - if u think po na medyo sensitive ito, u can delete it. Thank you.)