Bukas Kotse...
Magandang umaga sa lahat!!!
Gusto ko lang ibahagi sa inyo isang insidente. Maaring meron na sa ating nakaranas nito na hindi lang naireport at nababanggit sa ibang tao..
Kami po ay nakatira sa may Mansoura Area. Meron kaming sariling parking area, covered po sya..Nung nakaraan sabado ako ay paalis ng bahay at ng buksan ko ang aking ang kotse natagpuan ko na lahat ng gamit ay nakakalat, bukas lahat ng mga compartment sa loob. Unang naisip ko agad na meron humalughog sa gamit ko...maaring magnanakaw o maaring nagtrip lang...pero ang buksan ang kotse mo eh maaring intensyon ay kumuha ng bagay sa loob nito...Ngunit inisa-isa kong itsek ang gamit ko eh wala naman nawala..meron akong shades, FM modulator, DVD and CD at amplifier at subwoofer sa loob ng sasakyan ngunit lahat ng iyon at di nawala. Maaring pera lang talaga ang habol nito...o maaaring nagtrip lang talaga..baka naiwan ko ang kotse ko ng hindi naka-lock pero lagi ko naman itong nila-lock. Hindi ko na nireport sa pulis dahil wala naman nawala na bagay.
Yung duda ko na baka naiwan ko nakalock at may nagtrip lang sa saksakyan ko eh nagbago dahil ngayon umaga sumabay ako sa kapatid ko papasok sa trabaho nang matagpuan din namin na ang gamit sa loob ng kotse nya ay nakakalat...nakabukas lahat ng compartment sa loob ng sasakyan...pero yung uniform nya eh nakabulatlat ang bulsa...wala din naman nawala..
Kaya't ang mga kawatan na ito eh ay habol lang talaga eh Pera wala nang iba...meron kami kakilala sa CID pinablotter na lang namin ang insidente..
Sana ito'y magiging babala sa atin na wag na lang magiwan ng kahit anong importante bagay ..minsan maaring naiiwan natin ang wallet or cellphone sa saksakyan natin..kung sino man sa ating mga kababayan na meron ganitong karansan eh sana mabahagi nyo din...ito na din siguro ang epekto ng pagtaas ng popluasyon dito sa qatar at madami na din mga nakakaisip na gumawa ng bagay na ito...
Ano po bang magandang brand at saan area kami puede bumili ng alarm sa kotse..
Salamat po