BUHAY ABROAD....
A friend named "Maeng Ni" posted this.
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo, tiyak makakarelate ka...
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa ibang bansa ka akala nila
madami ka ng pera Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga
gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash
pinadala sa pinas,
kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo
padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na
o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang
natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na
tindahan.
Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year,
at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam
ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na
nakakabutlig na ng balat, hay naku!
Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa
namumulot ka ng pera kada may problema text kaagad, kumusta sa
una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku.nakaka- alergic na ang
text sa roaming puro gastos.minsan padala ka pa ng load! Load mo nga
utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga
at pag di ka pa reply aawayin ka pa!
Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani..naku mas
masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani!
Utang sa ibang bansa lalong dumarami.
Akala nila masarap ditto,di nila alam di ka na nga makauwi kasi
roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.
Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa,
di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas
pa nalalagas pa! Akala nila masarap sadito sa bansang ito kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at
mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka satrabaho at kulong sa
bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang
paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Burj Al Arab,
Desert Safari, mall of emirates, Atlantis, Al Mamzar Beach, at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka
lang makakapicture para mapadala mo sa mga mahal mo sa buhay.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse
mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag
loan ka lang sa Mashreq ,HSBC o CITIbank na huhulugan mo ng limang
taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng
bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.
Mahirap mangibang bayan.sino ba ang may kasalanan na iwan sariling
bayan? Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga't may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating
kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!