Bff, hhww, jowa, junakis, nosibalasi???
Mukhang codes pero sample lamang sila sa nag-uusong 'shortcuts' na natutunan ko sa mga kabataan ngayon. Forgive my ignorance, pero, hindi ko ata ma-reach ang iba pang 'codes', hirap pa rin ako bumasa nga ala text/sms, daig ko pa ang nag crossword puzzle nito.Wheew!! Natatandaan ko pa nung elementary pa kami,may komiks na may storya dun na lahat ng sinasabi nya ay naka set-up sa letter "E", tawig namin ng mga kaibigan ko nun, 'si mekekewe'...lol!
Ex: "Eke pente tendehen pere bele kende", O! di ba mahirap na yun? Pero mas matindi pa ata ngayon mga bagong 'pilipinong bukabularyo' gaya ng nabanggit ko sa title. Di kaya mga bading nagsimula nito?
0 comments