bato bato sa langit...
bato bato sa langit ang tamaan ay wag magalit... meron akong tanong na sisimulan ko ito sa isang kwento ne.
meron akong kilala,isang babae na may asawa at anak sa pinas. pero ung babae, nagtatrabaho dito.simula pa nung una, nagwarning na kami maraming tukso lalo na sa ibang bansa..binigyan namin sya ng pangalan na iingatan nyang samahan dahil kilala namin ung babae na nasira ung pamilya dahil may kinasamang iba dito. at un ang ginawa nmin example sa kanya na wag nyang gagayahin.sumagot si babae,"BAKIT KO NMAN GAGAWIN UN?? AYOKO NGANG SUMAMA DUN NAPAKALANDI PURO LALAKI ANG KINUKWENTO>" eto ang sabi nya.. makailang bwan, lagi na silang magkasama, natuto na umuwi ng gabing gabi ung babae..hanggang sa nalaman namin, lagi na lang silang umaalis may kasamang lalaki..ung lalaki rin ang naghatid sundo sa kanya..nalaman namin ung pangyayari..kinausap namin sya..baka masira ung pamilya nya sa pinas..hanggang sa umabot s punta na itinago na nya sa amin lahat dahil alam nyang nagagalit kami..pero hanggang ngayon nagkikita pa sila..at nag-iingat silang mahuli ulit namin..
ngayon ang tanong? over ba kami sa reaction namin na sobrang magalit kami sa kanya? dapat ko bang isipin na normal lang dito na ganun,may naghahatid at sundo sa kanya na lalaki na napag-alaman namin na BF nya pala. dapat ba pabayaan na lang namin sya sa ginagawa nya tutal pamilya nya ang masisira at hindi ung amin? dapat bang ipaalam sa pamilya nya ung nangyayari dito o dapat na wala ng alam sa pinas para di na sila masaktan pero alam na alam namin na nagloloko sya. pano ba ang normal na reaksyon sa mga ganito?? noon kasi wala akong pakialam dahil ung mga naririnig kong kwento e hindi ko kilala. ngayon kilala ko na ung involve.. please kabayan. konting linaw lang po..
(hummer_h3 seryoso po ako ha.. wag mo naman sana akong babarahin.. matatawag mo ba itong EXAGERATED?)heheh