BANGGAAN NG MGA BUSES- HEADLINES (FILEX)
Tunay na nakagigimbal at nakapanlulumo ang bumabalandra sa mga pahayagan sa Pilipinas sa mga aksidenteng dulot ng banggaan ng mga pampublikong sasakyan partikular na ang mga buses.
Kailan lamang sa link na ito http://www.mb.com.ph/node/217459/two-bu
hindi ko maiwasang mangiwi at malungkot sa balitang ito.
Sino ba dapat sisihin? Iresponsableng driver? Kakulangan ng pamahalaan sa impormasyong pangkaligtasan sa mga motorista? Ang kaliitan ng daan? O ang patuloy ng lumalaking bilang ng mga pasaherong nagnanais na makasakay ng mas mababang bayad at sumasakay sa mga mahinang klaseng bus at ang kadalasan ay hindi na aprubadong gamitin bilang pampublikong transportasyon. O ang corrupt na LTO sa patuloy na pagbibigay ng prangkisa sa mga may-ari ng mga buses kahit na lantaran ang dami ng aksidente ng kani-kanilang mga sasakyan?
Anu't ano man hindi na natin maibabalik ang mga taong nagbuwis ng buhay dahil sa kapabayaan ng mga taong walang inisip kundi ang malamnan ang sariling bulsa.